Saturday, July 13, 2013

nais kong muling maging kinse.

( A rePost from my old blog )

Nais kong muling maging kinse.

Nais kong tumakbo sa ulan, maglaro ng patentero at magtaguan sa malamig na semento ng lungsod na ito. Muling gumamit ng backpack at sumakay sa likod ng pick-up truck, maligo sa kung saan resort pagkatapos ng klase. Nais kong sumuka sa gulong ng kotse, pumasok sa bintana kung gabi at matulog sa bahay ng kung sinong katoto. Mais kong maglaro ng video game sa computer shop tapos maubusan ng pamasahe pauwi.


Kumain ng ice cream sa tabi ng daan at mag habulan sa high way. Magmotor, kumarera at muling sumemplang sa kanto. Nais kong mag habulan sa loob ng imburnal na tuyo at maglaro ng holen sa kung saan my lupa. Gusto kong muling maging taya sa syato’t mapikon sa laro ng piko. Magka band aid sa siko matapos sumakay sa bisekletang walang brake.

Kumain ng fishball tapos barbeque bago manood ng liga sa barangay. Gusto kong muling mag gate crash sa JS ng public school na malapit sa bahay. Mag star gazing sa bubong at muling matakot bumaba sa hagdang gawa sa kawayan. Umakyat sa puno ng mangga at mag kunwaring marunong talaga. Nais kong mahigang muli sa bermuda sa elementary school tapos manood ng mga ulap na tumatakbo. Muling makipag-away sa pinsan kong sunog. Nais kong maligo sa poso tapos makipagbasaan ng tubig sa mga kalaro. Gusto kong muling magswimming sa pool ng kakilala matapos mag cut ng klase. Magdala ng portable DVD at manood ng mga scandal at magtawanan sa loob ng classroom. Magparamihan ng jokes sa celphone at muling mapagalitan ng librarian. Magkunwaring magreresearch pero Facebook pala inaatupag.



Tumakas papuntang Legaspi at mahuli ng teacher kong layas din. Kumupit para mabili ang gustong Tshirt. Mangapit bahay para manood ng pelikula at masarahan ng pinto kasi gabing gabi na. Nais kong muling sumubok mag skate, at sana’y di na muling mabalian ng kaliwang braso dahil sa sementadong rampa. Maglaro sa arcade at muling pagmasimple sa paghatak sa ticket. Bumili ng mga transferable tattoo at magyabang na henna ito. Maki share ng shower room sa best friend at subukang mag yosi. Gusto kong mag videoke, kumanta ng Westlife at ng Celine Dion. Pumunta ng riles at lumubog sa putikang fishpond. Pumuntang perya tapos umuwing walang pera. Gusto kong muling kiligin kasi flirt din sya, at lalo’t higit jacket lang ang suot nya. Gusto kong magsimba kasi wala lang. Kumain ng goto pagkatapos ng klase sa gilid ng paradahan ng jeep, o di kaya’y dumayo sa may central para lang sa shake at halo-halo. Gusto kong muling mag round the bottle.







Nais kong muling maging kinse.
Hindi pa naman ganun matagal ang limang taong lumipas, ngunit bakit tila kay tagal na?

Nais kong muling maglaro, nais kong muling maging kinse.

No comments:

Post a Comment

BEST LOVED BY READERS